SEARCH

Friday, December 3, 2010

National Renewable Energy Plan ng administrasyong Aquino, target mabuo sa unang quarter ng 2011

Umaasa si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III na matatapos na sa unang quarter ng susunod na taon ang National Renewable Energy Plan ng kaniyang administrasyon.
Sa kaniyang talumpati sa dinaluhang Renewable Energy Conference, sinabi ng Pangulo na target ng pamahalaan ang pagkakaroon ng 100 porsyentong increase sa renewable energy capacity sa loob ng 20 taon, na mangangahulugan ng mas malaking tipid sa pag-angkat ng langis.
Nais din aniya ng gobyerno na manguna ang bansa bilang geothermal energy producer sa buong mundo.
Inihayag ng Pangulo na bukod sa geothermal, kabilang sa potensyal na pagkukuhanan ng renewable energy ang solar, wind at thermal energy kung saan tiniyak niya ang pagsasaalang-alang ng pangangalaga sa kapaligiran.
Sinabi naman ni MalacaƱang Assistant Secretary for Media Relations Zaldy de Layola na nilalagnat ang Pangulo kaya matamlay ito sa naturang conference. 

->Report from Ruby Tayag, Radyo Patrol 16
Reference : 
http://www.dzmm.com.ph/tabid/82/Article/12387/National-Renewable-Energy-Plan-ng-administrasyong-Aquino-target-mabuo-sa-unang-quarter-ng-2011.aspx 

Opinyon :


Ang planong ito ng pangulo ay hindi madaling gawin. Layunin nito na makatipid tayo sa pag-angkat ng langis at nais din ng gobyerno na manguna ang ating bansa bilang geothermal energy producer sa buong mundo. "National renewable Energy Plan" ay isang magandang plano para sa susunod na taon. Sa pagkakataong ito, makakatipid ang bansa sa langis, kasunod nang pagbaba ng presyo nito ang pagbaba ng gasolina at maging ang presyo ng ating kuryente sapagkat geothermal energy na ang producer ng enerhiya sa bansa. Malaking tulong ito sa  ating pangangailangan lalo na sa ating kapaligiran dahil bukod sa  geothermal energy ay plano din ng pangulo ang solar, at wind energy na kabilang sa potensyal na pagkukuhanan ng  renewable energy. Bukod sa mga ito ay maari ding manguna ang ating bansa bilang geothermal energy producer at pwede nitong iangat ang kalagayan ng Pilipinas sa mga kinakaharap nating krisis at suliranin.


Sa inyong opinyon, matutupad ba ang planong ito ng pangulo? Ano kaya ang maaaring maging epekto nito sa bansa at  sa ating mga mamamayan? May posibilidad kayang magawa ito ng gobyerno?